Ang pagkukwento ng Sandosenang Sapatos ni Dr. Luis Gatmaitan

Noong ika-21 ng Pebrero, 2011, pumunta ang ilan sa mga miyembro ng UP Family Life and Child Development (FLCD) Circle sa Marikina Shoe Museum upang ikuwento ang “Sandosenang Sapatos“, na isinulat ni Dr. Luis Gatmaitan. Ginawa nila ito sa harap ng mahigit na 35 bata na nagmula sa ilang mga day care centers sa Marikina.

Parte ng paggunita ng ika-33 anibersaryo ng FLCD Circle ang isinagawang pagkukwento na ito ng organisasyon.  Ang Sandosenang Sapatos ay isinalaysay sa pananaw ni Karina, isang batang babae na may tatay na sapatero at isang kapatid na ipinanganak nang wala ang kanyang dalawang paa, si Susie. Dito ay inilahad ni Karina ang pagmamahal na ibinigay ng kanyang tatay sa kanilang magkapatid, lalo na kay Susie. Nang pumanaw ang kanilang tatay, natuklasan ni Karina ang sandosenang sapatos na ginawa ng kanyang tatay para kay Susie – isang sapatos para sa bawat kaarawan na ipinagdiwang ni Susie. Matapos nito’y ipinagbigay-alam niya sa kanyang kapatid at sa nanay nya ang mga sapatos na ginawa ng kanyang tatay, na tanda ng sobra nitong pagmamahal sa kanyang mga anak.

Matapos na magkuwento ang mga Circlers, sila’y namahagi ng mga sapatos sa mga bata na dumalo sa pagkukwento ng FLCD Circle. Sila’y tumungo sa Cafe Kapitan para magkaroon ng kaunting meryenda, at pagkatapos ay bumalik na sa UP para maghanda sa exhibit na kanilang ilalahad sa Alonso Hall, parte pa rin ng pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ng FLCD Circle.

Ito ay nagawa sa tulong ni Teacher Mayan Ignacio, na nagtapos rin ng kursong BS FLCD sa UP Diliman, kasama ang Marikina Art Council (?). Kasama sa pagkukwentong naganap sina Celina Buensuceso, Gail Viyar, Joanne Aritao, Marc Lalas, Maxine Sta. Maria, Mimi Navales, Rasziel Doquenia, Sarah Lazaga at Steph Uy.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: